20 December, 2012

Random

Hi blog! Ang dami mo nang na-mimiss. Christmas break ko na ngayon pero wala pa akong time na mag kwento at ma-update ka. I'm sorry! Soon i-share ko sayo yun nangyari nun nag shooting kami ng documentary namin sa Baywalk at Quiapo. Yun University Christmas Party (kilig ako nito kahit papaano. Hihi) Pang ha-hack ng mga kaibigan ko. Kabaliwan namin ng pinsan ko. Katopakan ko at lahat. Diba ang dami na! Yaan mo! Soon talaga! Bigyan na lang kita ng isang good news. Yun documentary outline namin, pasok sa banga! BOOM! Okay sya kay dean, walang side comments and etc. Go for shoot na! Buti na lang, kung hindi kasi nganga at sayang ang effort namin dun sa mga pinag gagawa namin. Hihih.

Anyways, ngayon nanalo ng First Runner up si Miss Janine T. Grabe! Hindi ako maka get over kaagad dito. Ini-expect ko kasi na sya na un kasi bonggels na yun sagot nya eh. Kaso, nganga in the end. Ayoko nang isipin pa na naluto yun pageant or whatever, ang importante, nakapasok sya sa Top 16, Top 10 and Top 5. Sobrang big achievement na yun sa daming magagandang candidates all over the world! Kaya Miss Janine, I'm so proud of you at tinayo mo ang bandera ng Pilipinas! :)

At sabi ko nga, dahil hindi ako maka get over kaagad, kami ng pinsan ko, si Myka, sa labas ng bahay, sa may tindahan ni Tita, nangaroling kami habang nag po-pose at nagsasayaw ng chacha at nag co-cobra walk! HAHAH! Laughtrip din si Daddy eh, literal na Cobra walk ang ginawa! Bonggels! 

Sasali ako next year sa Miss Universe, for sure tayo na ang mag wawagi. Ang style kong paglalakad siguro Chacha Walk! hahahah! Natutuwa kami kay Ryzza eh, ververbibo and cute! Hahahah.


OHA! Akalain mong END OF THE WORLD na raw bukas? Eh kitang yayaman at mag wo-world tour pa ako! Kalokohan. Hindi ako naniniwala kasi alam kong nandyan si God. Gra-graduate pa kami no! Hahaha. Walang end of the world basta may pananalig kay God! <3

OKAY! Keep calm and pray. Dahil tayo mismo ang gumagawa nang ikaka-End of the world natin! :)




ciao! carpe diem!

No comments:

Post a Comment