30 November, 2012

December ❤


Hello guys! Good morning!
December 1st. ❤❤❤

Hmm. How to start my/our December right?? Uhm, PRAY & SMILE!! :D

PRAY -

 Para magpasalamat sa ating Panginoon dahil hindi nya tayo pinabayaan last 11 months and every day and forever. ❤ At dahil buhay pa rin tayo ng walang bawas at kulang, though emotionally hindi na tayo whole pero binibigay ni God yun para maging better person tayo, hindi naman nya tayo bibigyan ng pagsubok kung alam niyang hindi natin kaya diba? Basta all we need is to trust Him. :)

And, sa pag gabay nya sa atin, sa pag dadasal natin every night at pag wish nang mga gusto natin na tinutupad nya. ❤ Pasasalamat din dahil hindi nya pinababayaan ang mga mahal natin sa buhay, lalo na ang pamilya natin. :)

Pasasalamat na kahit ganito ang ating bansa, mahirap, magulo, hindi pa rin nya tayo pinababayaan kasi unti-unti nang nagbabago ang ating bansa, at salamat na ginagabayan nya ang lahat ng tao sa tamang landas para hindi magbombahan. Salamat kasi meron tayong payapang bansa na alam natin ligtas tayong maglalakad sa daan dahil walang bomba o rocket na babagsak sayo habang naglalakad ka sa kalsada. ❤

Salamat din Panginoon, kasi binigyan nya tayo ng WONDERFUL PARENTS, especially me, I'm so happy..... OH hindi pa ata na-iimbento yun salitang gusto kong sabihin para ma-express ko kung gaano ako kasaya at kaswerte dahil may parents akong Ariel at Vivian. Na minamahal ako every second, minute, hour, every day and night at walang katapusan. ❤ At ganon din naman ako sa kanila. ❤❤ Iwan man ako nang lahat, wala akong pakialam basta kasama ko ang pamilya ko na magmamahal pa rin sa akin kahit sa mga kamalian ko. ❤ Salamat salamat, God! :)

Salamat Panginoon, kasi laging good health ang mga Lolo't lola ko. Hindi sila nag kakasakit, hindi napapahamak at palaging masaya. ❤ Salamat God! The best ka talaga. ❤ Ganon din ang mga Tito' tita ko at mga pinsan. ❤❤  Salamat God kasi kumpleto pa rin kameng pamilya. ❤ Palaging masaya, nagkakaunawaan at nagmamahalan. Salamat sa lahat ng pag subok na binigay nyo sa amin na aming nalampasan at syang aming naging gabay para maging isang "matatag na pamilya." SALAMAT! ❤

Salamat Panginoon kasi may mga kaibigan akong katulad nila. ❤ Salamat. Kahit na minsan may mga hindi pagkaka unawaan, nangingibabaw pa rin yun "pagkakaibigan" sana God ganon palagi. Alam ko naman na sila na yun "Tunay" kong mga kaibigan, ang bespren, bhezflend, mare, tadu, fink minded, fuchsia tadu, mcdodo at asdfg. ❤❤ Hindi man kame palaging nagkikita o nagkakausap, sana nandun pa rin yu frienship. ❤ Salamat God! ❤

At Salamat Panginoon dahil hindi kayo nagsasawang pakinggan at dinggin ang aking Panalangin. ❤ Salamat God Mahal nyo ako, pamilya ko at mga kaibigan ko. ❤ Salamat salamat salamat, walang hanggang pasasalamat ko po. ❤❤ SALAMAT AT SORRY. ❤❤❤❤



SMILE

Ngumiti ka lang at aayos ang lahat. Ngumiti nang walang dahilan, ngitian ang problema, ngiti, ngiti, ngiti para sumaya ang buhay! ❤ SMILEEEEEEEE :)


--


I know this past few days, hindi naging okay ang araw ko.. Well, tapos na yun! December na. Mag ne-new year na, iwanan na lahat ng HATE sa November. ❤

Just SMILE and GIVE the benefit of the doubt. :">
Reverse anything, para HAPPY! ❤



SMILE! PRAY! SMILE! ❤❤❤

ciao. carpe diem!

No comments:

Post a Comment