06 October, 2012

S FOR SHUT UP, STUUUPID STRANGER!

Well, hindi ko naman nature na makipag usap sa stranger, pero hindi rin naman ako bastos para hindi sila pansinin. Kagabi sa bus, nun bumaba na yun katabi ko sa Turbina, may kapalit kaagad sya, lalaki din, pero siguro mga 20-22 na yun. 

Ako, nakatingin sa labas, sa bintana kasi yun side ko. Tapos, bigla syang umimik, sabi nya:



Stranger: Uwian ka, Miss?
Ako: Hmm.. *tango*
S: Ah, anong course mo?
A: MassComm
S: Oh, cool.. Katulad nun ex-gf ko.
A: Ah.
S: Anong name mo?
A: Nics
S: Ahh.. Ganda. Cute, bagay sayo.
  : Ako nga pala si !%&@
A: HA? AH.
S: *nag type sa cell phone tapos pinakita name niya* Suyjrit? 
-Hahaha. EWan, nakalimutan ko, Mal lahi sya eh. =)))

May sinabi pa sya about sa MassComm e, dapat may motivation raw ako and blah blah, kaya daw sila nag break nun GF nya kasi busy blah blah sa course and etc, tinanong pa nya kung ano raw lagay ko sa school, sabi ko SAKTO LANG. ABAAH! Sabe nya:

S: Alam mo ayoko ng ganun e, SAKTO LANG? Parang hindi confident, hindi proud.

*AKO SA ISIP KO. CARE KO LETCHE*


So ang dame pa nyang pinagsasabi, habang yun sagot ko, sakto lang, yun sagot na walang pakialam, eh hindi pa ata nakahalata at imik pa rin ng imik. Tapos nagkwento sya na buti na raw may nakausap na sya kasi bored na bored na sya habang ako tango lang ng tango. Tapos, naiinis na ako, and that time katext ko si Johnny Babes ko (Rigor) sabe ko nga sa kanya naiinis na ako sa katabe ko, si Rigor, galit na galit din at pinapalipat na ako ng seat eh kaso, punuan! Tsk. No choice kaya naisip ko mag ear phone na lang. So habang inaayos ko earphone ko sabe niya..


S: Baka nakukulitan ka na sa akin ha.
(Baah, at binasa ata text ko. Eh ayos lang, nakita rin nya reply ni Johnny na may mura! HAHAH)
A: Ge lang.
S: Sige Last na 'to. Hindi ko kukunin yun number mo, pero pwede ko bang makuha facebook mo? Para masabi ko sayo un movie na gusto kong mapanood mo.
A: (Hindi kasi ako may-ari ng facebook! HAHAHAH) Ano, hindi kasi ako nag f-fb.
S: Ah ganun ba, eh yun number mo na lang.
A: Ah ano, hindi kasi akin 'tong CP, dala ko lang sya pag umuuwi ako. (Sabay lagay na ng earphone)




AYOKO NA MARINIG BOSES NYA! YUN MGA ORAS NA GUSTO KO NG BUMABA NUN KASO TRAFFIC NAMAN SA ALAMINOS, NOISE!


Then, di pa natapos eh, tumawag sa akin si Nats kasi nga mag papa-confe ako kay Johnny, ABA! Mga ilan minutes may kausap na rin, eh impakto, PAHANGA. Na-bwiset ako kaya pinatay ko na lang yun call sa akin para mag music ulit ng 100% ang volume nang hindi lang makinig boses nyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!

No comments:

Post a Comment