01 October, 2012

October 1st.

Happy 1st day of October!! \m/


Hmm. Kamusta ba ang first day ng OCTOBER ko? Well, ganito..

  • Nasa Laguna ako kaninang umaga. Kasi dun ako natulog nun weekends.

-- ** -- **
Rainy Monday, Rainy First day, and Lazy Monday!


- Since umuulan pag kagising ko, at kailangan ko rin gumising ng umaga dahil ngayon ang schedule namin sa MTRCB, hindi ako dapat tatamad-tamad bumangon. Pero kanina, sobrang tinatamad ako kasi BED WEATHER, ang dami ko na ngang dahilan ang naiisip para hindi ako pumasok eh. Haha! But my ego wins. Nagsipag ako at nag ayos na. Naisip ko rin kasi, sayang un moment na papalampasin ko pag hindi ako nasama sa interview. :)

11:30 am.
- 11:30 am ako nakarating ng QC, since maaga pa naman, umuwi na muna ako sa bahay. Ang original plan ko kasi sa school na ako de-deretso. Anyways, pagkauwi ko sa bahay patapos na ang Be Careful, hindi na rin ako nakapanood kasi may bisita sa salas, kaya nagpunta na lang ako sa kwarto at nag paikot-ikot sa kama kaya naman ang uniform ko nagusot. Haha! Kaloka. Nagbasa na lang ako ng Fifty Shades. Ewan ba, lakas talaga ng impact ni Christian Grey sa akin. Kasi ang na-vivisual ko sa kanya si Ian Somerhalder eh, tapos ako si Anastacia Steele. Hahahah! Kidding. =)))))


12:30 nn.
- Nag text si Onegs ko (Therese) kung nasaan na raw ako, well sabi ko naman "I'm home and ready to goooooooo" tapos mga ilan minutes, nagtext sya na andun na raw sya. Ako naman, hindi kaagad naniwala, WEH pa nga reply ko sa kanya, hahah tapos sinabi nya galing pa syang OJT. Ahhhh. Oo nga pala. So, sabe ko pupunta na ako.

- Nun nag tu-toothbrush na ako, pag tingin ko sa uniform ko may colgate! Tsss. Dirty kid. Fail, I forgot to wear my apron! Hahah.

SCHOOL ( :"""""""""""> )

- Sa may papunta na sa canteen, nakatingin ako sa labas ng school. Dun sa red car, ewan ko lang din kung bakit ako nakatingin dun. Then, pagkita ko si Frenny yun bumaba. Ang cute talaga nun batang yon. Anyways, pag balik ko ng tingin sa may harap ko, OMG! *my heart skips a beat* si DC kasi nakita ko. Hahaha. Arte ko lang. After 2 weeks kasi (ata) kanina ko na lang ulit sya nakita. Eh, well.. hindi na rin naman ganun un pagka- crush ko sa kanya. Siguro na rin kasi di naman kami na lage nagkikita, at di rin naman kami palagi nagkakausap or whatsoever. Gulat lang talaga ako pati si onegs. Haha. Ayun na nga, sa likod namin sya, kahiya! gusot pa naman uniform ko. Fail x2! Hahah.

- Sa cafeteria, nag CR muna kami tapos saka humanap ng table at kumain. Lunch namin ni Onegs TWO-ge! (2 toge) Hahaha! Sarap kasi nun Lumpiang toge, dalawa kaagad para Rak! Tapos dun sa mga food stall, pag tingin ko sa right, andun sya. Smile lang ulit, then akala ko umalis na sya (pero di ko naman sya hinahanap ah) nagulat kasi ako biglang may humawak sa may right ko, sya pala. NANGANGAMUSTA. Yes, kinamusta nya ako. Haha! Kinamusta ko sya pero di ko alam kung sumagot sya?! Hahaha. Anyways, kinilig naman ako ng slight. :D

- As usual, yun 1pm na call time joke joke lang. Haha! Never naman nasunod yan call time na yan e. SUS! :p

-- 1:00-2:30pm kwentuhan sa caf --

Quarter to 3.
- Nasa MTRCB na kami. Di naman masyado hassle kasi sa Morato lang 'to, nag 2 taxi na lang kami kasi hindi kami kasyang 6 and hindi pwede. Unang umalis sila Jho, Marni, and Tom pero una pa kami dumating (Me, Jen, Therese) ako yun unang nag log sa paper, tapos HINDI ko binasa. HAHAHAHA!!!! Nun nag susulat na sila Jennie, tawanan sila. Tapos sabe nila BAKIT DUN DAW AKO NAG SULAT DUN SA *Purpose* Hahahah! Fail 3x. =)))) Sabe ko nalang, ako kasi yun purpose nila sa MTRCB! Hahahahahha!! :)))
 *note: Palagi munang babasahin ang categories/instruction/etc HAHAH!


INTERVIEW:

- 2 Atty. ng MTRCB ang in-interview namin, since for legal naman daw yun topic namen. Well, okay naman ang naging flow nun interview, pero di ko alam pag akyat ko kinakabahan ako. Eh nawala naman kaagad nun nakita ko na un kakausapin namin, mababait naman sila. Ito yun kakalokang part eh, bigla ba naman daw ba akong antukin sa gitna ng interview, bigla kasi lumamig sa office eh. Hahahah!! Tapos, pag medyo alam kong un mata ko medyo nabagsak, bigla naman titingin sa akin si Atty. Hahaha! Kaloka. Kahiya. :D

- Bago kami umalis, nag picture taking muna. Swerte namin andoon si Chair. Mary Grace, di man namin sya na-interview may picture naman. Masaya na ako makita sya. Para ko na rin nakita si FPJ! :D Idol. :D


--- Ayun, masaya na nga sana yun araw ko hanggang sa un jeep na nasakyan namin siguro muntik ma-holdap. Ewan, bigla akong natakot sa usapan nila. Tulala nga ako, muntik pa lumampas sa babaan ko. Buti kasama ko si madam. Sobrang kaba ako pauwi! Pero inisip ko na lang si God, alam kong hindi nya ako pababayaan. :)


KAYO mga friends kong mahal, Ingat kayo palagi. :* xoxo!

No comments:

Post a Comment