22 October, 2012

Bad monday






Haaay. Yes, bad monday. Yun phone ko kasi nawawala, ay NAWALA na pala. Nganga! Haaaayyyy! Huhu. Ang sakit. Kasi bago kami umalis ng bahay (sa wawa) nag cha-charge ako, tapos medyo nate-tense na rin ako kasi si Daddy, nandun na sa may pinto nag iintay. Eh ako, ang dami ko pang arte. Tapos, pag kalabas ko ng bahay, ang tanda kong hawak ko yun brush ko at yun pabango ko. Tapos, tumigil ako sa may gate at pinainom yun 3 aso tapos, sumakay na ako sa tricycle papuntang bagong pook.


Then, nun nasa bagong pook na kami pagkababa ko, kinapa ko yun bulsa ko, sabe ko

Me: "Ay, naiwan ko yun phone ko sa bahay.."
Mama: Sure ka?
Me: *nagpamisscall* *nag ring*
     : Oo. Nag ring eh.

*lumabas si mama*

So ako, kampante na ako. Kasi nasa bahay naman at nag ring nun nag pamisscall akong 2x. Tapos, tinanong ko rin si mama kung anong oras babalik si Daddy sa bahay. Pero 3 pa raw.. So naglaro na lang ako kasi nga kampante na ako.


Then dumating si Daddy, galit. Ako petiks lang, nakahiga..


Daddy: Ano?! Nasaan ang cell phone? Ganun na lang yon?
Me: Nasa bahay nga. Nag cha-charge
D: Umuwi ako ng bahay para nga kuhain cell phone. Hugot naman yun charger, wala don.
Me: Nasa bahay nga. *Sanay kasi akong nanloloko lang sya, tinatago yun gamit ko kaya hindi ako naniwala.*
D: Wala nga! Ano ganon na lang?! *walk out*



So pagkalabas ni Daddy, nag try akong mag miss call, huhuhuhuhu. Cannot be reach na :( Ang sakit. HUHUHUHU! Nag miss call si Ate Myks, cannot be reach na rin.


So after nun, wala na talaga. Nag punta na kaming SM, hindi pa nga nag si-sink in sakin e. Sabe pa ni mama, anong importanteng files ko raw andun, sa isip ko sabe ko SCANDAL ko! Hahahaha! Haaayyyy!

Nun nasa SM na kami, nag iintay na ng number ko, un girl dun, pareho kami ng sandals. Then ayun nga, ako na. Nun nag uusap na about sa cell phone kong NAWALA, naiyak na ako. Crush ko pa naman yun nasa Customer Service! Hahahah. Anyways, haaay. Pina-cut ko agad yun sim. Baka kasi mang gago pa and everything.. Ayun.. Hay! Sakit.



Pero sabi nga ni Daddy, okay na raw na dito nawala, kesa sa Manila pa na na-hold up daw ako or what. Di ko alam kung pag palubag loob lang e. Tapos, plano pa nila ako kuhaan ng bago.. Pero di muna siguro. Sabe ko kasi gastos na naman. Wag ko raw isipin un. Kaya naman daw nila. Pero ewan.. Bahala na. Ngayon ayoko muna. Huhuhuhu! Hayy!



Wala pang 3mos yun. Sa 25 pa, tapos parehong MONDAY pa silanasira nun BB ko :( Haay!


Minnie asawa ni Mickey. Mamimiss kita :*(



Pero sabe nga, pag may nawala may magandang kapalit!!!! Si Lord, God na bahala sa kanya!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

I love you mama and daddy.









post signature

No comments:

Post a Comment