11 August, 2012

They are the sweetest. :)

12:19am/ August 12.

Patulog na ako e, pero si Tommy ang ingay ingay, tahol ng tahol kasi siguro naririnig nya si Bella na nagtatahol din. Siguro nag uusap sila, hindi kasi mapakali si Tommy pabalik balik sa harap ko kaya napilitan tuloy akong bumama kasama sya. Tapos yun magbaba nya nag mamadali talaga sya, para bang may mahalagang sasabihin kay Bella. Bagong lipat kasi si Bella dito sa Wawa, e namamahay siguro. Dun kasi sya sa garahe, hindi na kasi sya pwedeng alpas sa bahay gawa ni Krysten. Pero okay naman sya sa labas kasi may sarili syang bahay. Kapit bahay na sila ni Bella. Hindi lang talaga sanay. Haha, spoiled yung babaeng un eh. Hindi na nga nya kilala si Fiona, e nagkasama naman sila nun. Hahah!

So back to Tommy, nag CR ako tapos nagtatahol 'tong si Tommy na para bang may sinasabi kay Bella, kasi natahol din si Bella hanggang tumahimik sya. Ang galinggg! Siguro sabi ni Tommy, "Wag kang mag alala Ate, masasanay ka rin! Ganyan din ako nun first week ko."

Ayun nga lang, kawawa si Bella, kasi pag sinisilip ko nakatayo pa rin sya, ayaw pumasok sa bahay nya. Ayaw pang matulog, natatakot siguro. Heheh. Pero bukas, pag nakita ko na si Mr. Sun, papaliguan ko na sya! Luluwas na rin ako sa Monday eh. Hehehe. :))

Sobrang mahal ko yan mga dogs namin. Kahit aspin si Fiona at Bella, sobrang bait naman at may manners! Para talaga silang tao din. Kaya love your pets! Kasi maaasahan talaga sila. ^^



Payat pa sya dyan. Pero ngayon sexy na ulit sya. She's Fiona, the youngest. <3


Meet Tommy! The super kulit/kastress na dog. But..... I still love him! Kahit sinira nya yun mga slippers and BB ko! :)


Bella and Tommy!



And my buddy! Bella, lahat naman sila love ko pero siguro sya yun pinaka close ko. Kahit lagi niya ako kinakagat, pati yang si Tommy pero iba e. Sweet kasi si Bella, feel mo talaga sya. <33 Pati si Tommy and Fiona. Basta!! Love ko silang 3!! <3


Okay, bye! Good night! :***

No comments:

Post a Comment