26 November, 2011

Lyceum is love.

Ang call time namin ay 6-6:30am, ang guess what? Past 7 na kami nakaalis. Kasi 8am daw ang start. Hahaha. Grand Prix kasi, lalaban si Jess and Jaime, sa LPU ginanap.  Di naman kami masyadong na-traffic, mga 8am nandoon na kami at syempre hindi naman kaagad nag start mga 11am na ata yun kasi kumain pa kami sa canteen ng Lyceum ang liit haha, kasi raw marami naman kainan sa labas which is true, ang ganda ng school nila. I was amazed, we're all amazed. :"")

Buti na lang hindi kami nag batch shirt, yun red kung hindi belong kami sa mga taga Lyceum, 60th years na nila tsaka opening nun The Bayleaf hotel eh. Grabe lang, ang ganda. I love their energy, nun nag countdown na sila dun sa great wall of china, haha. Nun tinawag nga ang CAS naki-cheer kaming Mcdodo friends (mga inggit) hahaha. Pero kung hindi rin naman dahil sa TUA e sana hindi kami magkakakilala. :))

Nag start na nga ang program ng mga 11am tapos natapos ng mga 12noon. Kakain kami ng lunch sa SM Manila, nag lalakad na kami ng nawala sila Ed, so tumigil kami at nakita namin sila na nag si-sign na may car kaya bumalik kami. May kotse daw si Jaafar at sumabay na kami. Ang tagal namin nag intay to the point na na may gusto ng umuna at maglakad na lang pero bigla ng dumating si Jaafar. HAHA. Pick up, di kami kasya kaya para kaming SAKO na nasa likod. Ang init sobra, siksikan kami pero ang saya syempre experience with friends. Tawanan, kantahan, picturan, lokohan lang. Diba nga SM daw? Aba, Sa Robinson pala kami. Roadtrip kami sa Manila, mga tao pinag titinginan na kami. Pero kami, wapakels. HAHA. Pag ka dating sa ROB, hiwa-hiwalay rin kami ng kinainan, basta kami ni labsh, solid. Mag-kasama. <3

Ito kakatuwa eh, nun pabalik na kaming tatlo nila Cate, Ate Arianne at Ako nag usap-usap ng simple, kailangan mauna kami para sa loob na kami uupo. HAHA. So andun na kami sa labas, mga nagkukutuban na, yun car ni Jafaar wala pa, tagal nun Vallet mga 5 minutes din yun. Hanngang sa nakita na ni Cate yun car at takbo kaagad kami, HAHA. Unahan kami pero syempre nag wagi kami. HAHA. Yun mga nasa loob na si Jess, Pink, Marni, Reese ang nasa labas ngayon. HAHAH. Habang nag plan kami nun kinakabahan pa kami eh. :))

1:30 pm raw ang start ulit ng program, pero mga 2:30pm na ata kami nakarating, pero thank God, di pa start. Nag sasalita lang yun si Dr. Gandhi. Nakakaantok nun mga oras na yun, kaya halos lahat mga tulog sa likod, si Ed, nakanganga pa. HAHA. 

Kakatuwa si Ed, pag tinatawag sila Jaime tatayo kaagad yun para picture-an o video-han sila napaka-supportive. Hihi. Sayang lang hindi sila nanalo, runner-up lang pero okay lang. Proud kami sa kanila. :")

At HINDI rin kasi mababayaran/mabibili yun mga experience na nangyari sa amin eh. :">
Sa likod ng Pick up

Lyceum's Auditorium


No comments:

Post a Comment