31 May, 2011

I'm gonna lose weight

Yiz! I have a challenge, and in three months dapat medyo "payat" na ako and pag nanalo ako magkakaroon ako ng P7,500.00! HAHAHA. Cool huh?! Well, so far it's good. I already lost 3 lbs., pero bakit ganun di ko pansin :"""( pero anyway, ang sarap ng feeling, sanay na akong hindi kumain ng kanin pati pag gabi. Oha! Bongga diba? I have some workout, useless naman yun diet ko kung walang galaw galaw diba? So ayun. Wish me luckkkkkk! I know I cannnnnnn! I just need yer moral support, hahaha. And ilayo ako sa tukso. ^__________^

Hmmm. Sa ngayon, ako muna yun nasa labas ng mirror. SOON yun sa loob. Bwahahaa! :))

30 May, 2011

Where are you?








Truelaluuu. I missed being in love. :/ Mr. Prince Charming, my soul mate, the man of my dreams, WHERE ARE YOOOOUUUU? :|

THANK YOU, LORD!

Haay. Salamat at okay na ang lola ko. Sana makuha sa gamot. Lord, wish ko lang po mabawasan ng kaunting kakulitan ang mommy ko. Yayay! Kayo na po ang bahala sa kanila. Salamat po!
I just recieved BAD NEWS.


My mommy is in the hospital! Please PRAY for her. :((



Mommy kasi e! Ang kulit mo, wala ka pang 1 month na ooperahan ang gala mo na. HAAAAAAYYYYY! Be strong mommy! PLEASEEEEE! Ang layo-layo mo pa samin. PAGALING KAAA! Walang masamang mangyayari, kaya mo yan! IKAW PA!!! 


I LOVE YOU MOMMY. <3
 

TAKOT AKO

Dentistry talaga ang gusto kung course, kaya ang balak ko after ko maka-graduate ng MassComm, mag-aaral ako ng dentistry. (Lakasan lang ng loob)

Pero natatandaan ko nun, noon bata ako papangangahin lang ako ni Doc iyak na ako, bunutan pa kaya?! Never akong nabunutan, wala naman kasi rin bubunutin! Magaganda daw ang teeth ko, 98% pa nga raw eh. Jeez! Almost perfect pa, sa edad kong 'to? HUH?! Im happy kasi wali rin akong sungki or whatsoever. (Tignan mo, ganduhhh teeth ko! :P)








So ito na nga, kanina sinamahan namin ni mama si kuya Dj pag pabunot ng ngipin, duwag kasi! Mahina yun loob, pati nga sa loob ng room kasama nia si mama e. Ako sa labas lang, di ko ata kayang makita. Pero tinawag ako ni mama so tinignan ko na rin, GRABEEEE! O_____O NANLAMBOT ako. Ayoko na ata mag dentistry, ako ata una pa mahihimatay sa bubunutan ko. SSSSSSZZZ. >.<

29 May, 2011

Parang noon lang.

06/05/93


Haaay. Ang bilis ng panahon! Parang noon lang baby pa ako! ngayon KAKASAL na ako HAHAHA. Jk. Next week birthday ko na, 18 years old na ako. Wala akong plano sa birthday ko kundi ng mag-simba, ayoko kasi nun handa-handa gastos lang yun. Malapit na mag pasukan, dagdag na lang dun. Bait ko 'noh? Ako talaga yun tipo ng tao na di excited mag birthday, akoyo talaga n NAGHAHANDA AKO Ewan ko ba?! Baduy ko ano? HAHA. Pero ngayon, my countdown ako! Excited ata ako, sabi nga ni mama, iba na eh, 18 na kaya excited na ako. :) Pero hindi naman pumayag si Mama at daddy na wala akong handa, kahit konti lang daw pamilya at konting friends. Ayun, excited din ako sa gift ng tita ko. Hmmmmmm.. ^_____^




Price tag

 Everybody look to the left



Everybody look to right



Di pa kami okay nan. :| Kaya di kami masyado nag-uusap.

Meet my X-ANGEL.


I want you to meet my FIRST LOVE.
 Angelito Icasiam


Hmm. I met him 4 years ago, actually Valentines day yun. Kasi ganito yun, classmate sya ni Ate Myka at ginawa niyang textmate, di kasi alam yun number niya, first year high school sila noon at second year naman ako, sa bahay, hiniram ko phone niya, si ako tingin sa inbox, na curious ako kasi ANGEL ang name, (my classmate din kasi akong ANGEL nun pero girl) So ayun, I asked her, sino sya? Ayun nga daw classmate niya daw, malapit na syang mabuking so I helped her, kunwari ako ay na-wrong send, nakikitext na akala ko yun ANGEL na classmate ko ay yun name sa phone nia, Abah! si tanga naniwala kaagad, at tumawag pa sa phone, at walang 10minutes, NANLIGAW na. Grabeh! HAHAHA. eh ako naman si ARTE, pumayag, KATUWAAN lang, kasin naman MY GOD di pa nga kami nagkikita nun eh. So ayun, text text kami, Feb.14, 2007 yun, ganda ng takbo, ang okay ako dedma lang pero sya todo sabi ng <b>MAHAL NA MAHAL NIA AKO</b> Syempre ako di naman kaagad naniwala, diba naman? Ang OA! Lagi sya natawag sa phone minsan nga ayoko na sya kausapin e. Ayoko kasi talaga, di ako seryoso nun, kasi nga ang PANGET ko pa nun, eh paano pag nakita niya ako? Ma-hurt pa ako! HAHAH. Pero ayun na nga, medyo na ffall na ako, March 7, 2007 binigyan niya ako ng teddy bear <B>ANGELICA</b> ang name, (Angel+ica) Then, sabi ko sa mga pinsan ko, sasagutin ko sya ng MARCH 14, 2007 (para 1 month. HAHA) Then blabla, March 13, 2007 na nga, POTCHAK! Nagtext, ito sabi niya "Nica, mabuti siguro friends na lang tayo." </////3 Ouch! Basag, ibig niyang sabihin FRIENDS na lang daw kami? HUHU. isang araw na lang sana kami na eh! HUHU Di pa nakaintay, grabe lang yun iyak ko nun, BROKEN na BROKEN ako, MAHAL ko na pala kasi sya, miss ko yun pagtawag niya, yun pag sweet nia sakin. HAAAY. Sa huli mo talaga marrealize, yun tipong wala na. :(


At di  pa naman dyan natapos ang love story namen, March 13 nga nawala diba, then March 27, bumalik ulitttt! YIZZZZZ! Kung pwede daw ba maging kami ulit, eh di ako naman syempre di kaagad pumayag, papatagalin ko muna ng ilang minutes! HAHA. Then, mga 5pm na, gusto ko naaaa. :"> Bigla na naman niyang text "Buti pa siguro bestfriend na lang tayo" King ina! Ouch na naman! :"( kesyo magkaiba daw kasi kami ng school, mahirap daw. Hayyy. Diba kung gusto may paraan talaga!:( Di talaga kami siguro para sa isa't isa. :( Galit na galit na nga nun si MYKA eh. Di pa daw ako nadala. grabe! Alam niyo yun madami akong suitors na pinatigil dahil sa kanya. :"( Mahal ko talaga sya eh. Akala ko kasi "love is sweetier second time around" ayun pala more more pain pa. :((


Ayun, mga ilang months kaming walang commu, hanggang mag THIRD year HS na ako. Sya pa rin yun nasa isip ko kahit nag ka boyfriend ako nun, si GJ. Mahal ko rin naman si Gj, di nga lang katulad nun kay Angel. Ang ayos ng takbo ng relatonship namen ni GJ, Naging kami Feb. 27, 2008. 6 mos. lang kami, gawa kasi ni Angel, bumalik. :( Iniwan ko si GJ para kay Angel, sa una, parang ang sarap.. Tama ang desisyon ko, akala ko mag wowork na yun amin, walang oras na hindi kami magkatext ni Angel, di nga lang ako makareply kaagad flood na inbox ko. Ang saaya! kilig na kilig ako nun, habang si GJ iniwang kong nasasaktan. Wala akong pakialam nun, kasi nga diba? SI ANGEL yun eh. <3 Tapos eto na naman, nawala na naman bigla. Nakakahiya man, pero bumalik ako kay Gj, ang bait niya, naging kami ulit. Kahit lagi ko sya inaaway, prinsesang prinsesa nga ako kay GJ eh. Super sweet nia. Di rin naman ako nagsisisi na naging X ko sya. Kahit na sya eh nakipag break sakin! HAHAH. Pero binalikan naman nia ako ulit! =P Mahal na mahal ako nun eh! (date:P)


So ayun na nga, hanggang mag 4th year HS ako, 1st year college, hanggang 2nd year college. Dibaaa? Ang tagal ko rin na NAGPAKATANGA sa kanya!!! Naiinis na nga ako minsan sa sarili ko eh, BAKIT AKO GANITO?????? galit na talaga mga pinsan ko sakin. :( Pero MAHAL ko eh. HAHAHAY!



SEPTEMBER 19, 2010--- NAGPUNTA SYA SA BAHAY, na-meet nia sina MAMA at DADDY and PINSAN. Saya lang. Yun mga panakaw na pag hug niya sa akin kasi si MAMA nasa kusina lang, alam kung gusto nia ako Makiss nun! HAHAH. Hayyy. Ang sarap balikan! Yun mga hug, kagatan, paglalaro namen, tawanan, walang sayang text. :"""") :(


Ito na, NOVEMBER 11, 2010-- HAAAAAAAAAAAAY. HINDING HINDI kita makakalimutan! <3 Ito yun araw na ang saya ko. Masaya sya. Masaya kami. (SECRET NA 'to!)


At ang araw ng katapusan NOV. 30, 2010-- Nagtext sya. Ito na nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin, pero akin na lang yun. TAPOS ITO NA RIN YUN HULING ARAW NG COMMUNICATION NAMEN ='(


-----

Haaay ANGEL! Ano bang meron ka at ganito na lang kalakas ang tama ko sayo? Para tayong ilaw, alam mo yan! on and off. Pero ako di nagsasawa sayo. :"( PERO ITO LANG MASASABI KO, Di na ako galit, at hinding hindi ako nagalit sayo, lagi pa nga kita pinagtatanggol kay Ate Myka e, sabi ko lagi wag syang magalit dahil paulit-ulit ko 'tong ginusto. SALAMAT na rin dahil marami ako natutunan sayo. Ikaw ang nagturo sakin kung ano ba talaga ang tunay na meaning ng PAGMAMAHAL. Maraming Salamat! Miss na kita, sana maging mabuti lang tayong MAGKAIBIGAN. At alam mong marami rin tayong MASAYANG pinagsamahan, Araw, tanghali, hapon man o gabi! HAHAHAH. :)






Sana lang nababasa mo 'to.

Reynahan

As I promise, ito yun ilan sa mga pictures kahapon. Ganda ko nga eh, Sobra.
 :""">

Hi Dude! :)

 My baby Teong. :"> Super cute noh? Pero BAD BOY yan! =))


And my Super duper cute baby Nene. :) Maldita na yan!
 
 Mama, Inay, Nhicole.

 Tenen! Me and Inay. Grabe, ang landi nuh? HAHA.

And the patron, St. Crispin :) +


And yes, baby ko sila! Manixs ang tawag nila sakin (short for Mama Nics) ^__^

Super bonggang PAGODAN day..

So ito ako ngayon pagod na pagod kung di ko lang ikaw mahal Inay Nita, di kita sasamahan maglakad sa buong nayon. Jusme! Kung kailan tumanda, saka lumandurz. Hahahaha. Pero, in all fairness, walang halong pamilya, kabog sila sa beauty mo inay. :""""")

Grabehan! Umuulan pa, ang ganda ko pa naman kanina, mamaya na ko mag uupload ng pictures, si Mickey(cp) lang gamit ko eh. Hahahay.. Gusto ko nga kaagad makauwi sa bagong pook kasi manunuod ako ng program, eh kamalasan, sumabog pa un gulong ng sasakyan! Takot nga kame eh, kawawa un dalawang batang kasama namen, antok na antok na. Pero Thank you Lord, ligtas kame! I love you. So ayun na nga, mga 11:25pm na kami nakauwi, happy to say, naabutan ko pa un program! :""""> Pero, di ko nakita BEBE ko. Car lang nia, :( Kaya niyakag na ulit ako ni daddy, at ngayon dito na kame sa bahay at nagpapaantok na ako. :)


***


Goodnight!

PS, sorry naman kung my typo at kung mali mali ang sentence or spelling ko. :p

28 May, 2011

Welcome back, Nica!

Hello! This is my 3rd blog. HAHAH. Lage ko kasi nakakalimutan ang password ko e. Pero ngayon HINDI ko na makakalimutan. :)

Nakakamiss din pala mag blog. Yun mai-issue ka kasi yun blog mo ganito ganyan. Pakialam nila? E blog mo nga yun, tawagin mo pang online diary kaya bagay din siguro ang title ng blogspot ko dito. Mga tao kasi ngayon masayang napapagusapan ang buhay ng ibang tao. Sige lang, ang taas namin, ang baba niyo. Kbyeeeee! :)